Uncategorized

NOONG NAWALA KA

Noong nawala ka, 

Nabawasan ang pitong kulay ng aking bahaghari,

Nalanta ang malagong dahon ng halaman ko,

Naubos ang tinta ng ballpen ko,

Napudpod ang lapis na pangguhit ko sa iyo,

Nagkulang ang pahina ng paborito kong kwaderno,

Nabitin ang kwento sa aking binabasang libro,

Lumamig ang dating nag iinit na kape ko,

Nawala ang usok sa aking sigarilyo,

Tumigil ang pag ikot ng orasan ko,

Naubos na ang mga salitang panglarawan ko sa iyo,

At halos di ko na rin makilala ang sarili ko.

Yan ay noong nawala ka.
Ngunit noong nawala ka,

Ilang araw,

Ilang buwan,

Ilang taon ang nagdaan,

Sa wakas..
Pito na ulit ang kulay ng aking bahaghari, nadagdagan pa.

Malago ba muli ang halaman ko, may kasama pang bunga.

Matulis na ulit ang mga lapis ko.

Puno na ang tinta ng ballpen ko.

Bago din ang akong kwaderno.

May magandang wakas na ang aking binabasang libro.

Nakakapaso na ang timpla ng kape ko. 

Bumalik na ang usok ng sigarilyo, ngunit tumigil na ako. 

Bumalik na ang tamang oras ng orasan ko.

Naipon na din ang mga salitang panglarawan ko ngunit hindi na para sa iyo.

At nakilala ko ang bagong ako. 
Noong nawala ka,

Akala ko hindi ko kaya.

Akala ko kakainin ng lumbay ang sarili ko.
Ngunit,

Noong nawala,

Ang akala kong di ko kaya,

Kakayanin ko pala,

Kaya ko ng wala ka at mas kaya ko pala kung wala ka. 

Advertisements
Filipino Poem · Poem

TALUKAP

Mahal,

Bumibigay na ang aking mga talukap

Mabibigat na mga talukap na napagod sa mga gabing iniisip ka.

Mahal,

Lumalabo na ang aking paningin sa kahihintay sa iyong masuyong mga haplos,

Mga haplos na kaya akong bigyan ng seguridad na matulog dahil katabi ka at yakap ka.

Mahal,

Unti unti ng dumidilim ang aking paningin ngunit ikaw lamang ay nakatingin habang tumatakas ang mga usok sa iyong mga labing mapusok.

Mahal,

Naluluha ang aking mga mata kahit nakapikit na sa kakaasa kung kailan nga ba ako matatauhan sa kahihintay sa wala.

Mahal,

Hinihila na ako ng kawalan at nakikita kong magkasama tayo sa panaginip ko. Masaya ka sa piling ko at nasa akin lamang ang mga titig mo.

Sana sa pagbukas ng mga talukap ko ay makita kita sa tabi ko,

Nakatitig sa mga mata ko,

Hinahaplos ang pisngi ko,

At bibigkasin na mahal mo ako,

Higit nino man sa mundong ginagalawan mo.

Kung mali man hilingin ang mga ito,

Sana sa pagbukas ng mga talukap ko ay matauhan na ako,

Na ikaw at ako,

Ay hindi magkakaroon kailan man ng TAYO.

Filipino Poem · Literatura · Poem

ANG SAKIT MONG MAHALIN

Na sa bawat yakap mo ay nalalanghap ko pa ang naiwan niyang pabango na kumapit sa damit mo.

Na sa bawat halik mo ay nalalasahan ko pa ang mga kasinungalingang binitawan mo.

Na sa likod ng bawat pagtingin mo sa akin ay lumalagpas lang pala sa hangin.

Putangina! Ang sakit mong mahalin.

Na sa pagbigkas mo na mahal mo ako ay hindi lang pala ako,

Hindi lang pala ako ang naghihintay sayo,

Hindi lang pala ako ang binubulag mo, nilulunod mo, minamahal mo.

Ang sakit mong mahalin.

Na sa dulo ng istoryang ito, istoryang hindi ko alam kung ilan nga ba tayo, malaman mo na alam ko at kaya kong magparaya, kumawala dahil hindi ko na kaya ang sakit dahil minamahal kita.